Alert Level 2 ikinasa ng DFA para sa mga Pinoy na nasa Sri Lanka

By Chona Yu July 16, 2022 - 02:19 PM

 

Itinaas na ng Department of Foreign Affairs sa Alert Level 2 para sa mga Filipino sa Sri Lanka.

Ayon sa DFA, hindi na muna magpapadala ang Pilipinas ng mga overseas Filipino workers sa Sri Lanka dahil sa nangyayaring gulo roon.

Papayagan naman ng DFA na makauwi sa bansa ang mga OFW na mayroong employment contracts.

Kaliwa’t-kanang protesta ang ikinakasa ngayon sa Sri Lanka dahil sa nararanang krisis sa ekonomiya.

Pinatalsik na rin ng Sri Lankan ang kanilang presidente.

Sa ngayon, sinabi ng DFA na wala pa namang plano ang pamahalaan na pauwiin na sa bansa ang mga OFW.

Sa halip, pinapayuhan ang mga OFW na mag-ingat at umiwas na magtungo sa mga magugulong lugar.

TAGS: Alert Level 2, DFA, news, Radyo Inquirer, Sri Lanka, Alert Level 2, DFA, news, Radyo Inquirer, Sri Lanka

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.