NNC: Bilang ng mga Filipinong overweight, nasa 37 milyon
Pumalo na sa 37 milyon ang bilang ng mga Filipino na nakararanas ng overweight at obesity.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni National Nutrition Council (NNC) Nutrition Information and Education Division chief Jovita Raval na labis nang nakababahala ang naturang bilang ng mga Filipino na matataba.
“Nababahala po ang National Nutrition Council, kaya ang isa nating isinusulong ay maaprubahan iyong nabuo natin na National Policy on Addressing Overweight and Obesity ‘no,” pahayag ni Naval.
Isa aniya sa pinagtutuunang pansin ng NNC ang pag-apruba sa na-develop na nutrient profile model, “kung saan dito ay makikita natin na, masasabi ba natin na ano iyong mga pagkain na hindi healthy na puwedeng i-market sa ating mga kabataan ‘no,” paliwanag nito.
Dagdag ni Naval, “So, kailangan talagang tugunan na mabigyan sila ng balanseng diet, maiwasan iyong pagkain nila ng sobrang maaalat, mamantika at matatamis na pagkain at saka kailangan isulong natin iyong physical activity ‘no, so more exercise.”
Paalala pa nito, importanteng magkaroon ang mga kabataan ng tamang oras ng pagtulog.
“Kasi kung kulang din sila—kasi ngayon ay bakasyon, so late matulog at late din magising. So, kailangan may sapat din silang tulog at saka pahinga,” ani Naval.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.