DTI, hinikayat ang publiko na bumili sa malalaking supermarket
Hinikayat ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na bumili sa mga malalaking supermarket o grocery store.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castela na base sa kanilang monitoring, may mga supermarket at grocery store na nagbebenta ng mas mura kumpara sa suggested retail price (SRP).
Sinabi pa ni Castela na lahat ng mga supermarket at grocery stores ay tumatalima sa itinakdang SRP ng DTI.
Ayon kay Castelo, nasa P2 hanggang P4 na mas mababa ang mga bilihin sa mga supermarket at grocery stores.
Sa ngayon, sinabi ni Castelo na pinag-aaralan pa ng DTI ang hirit ng “Pinoy Tasty” at “Pinoy Pandesal” na taas-presyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.