Kasabay ng pangakong pagtalakay sa isyu ng climate change sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., umaasa si Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles na ipapasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang pagbuo ng isang government body na tututok sa conservation at pamumuno ng 500-kilometer-long Sierra Madre Mountain Range.
Layon nitong maprotektahan ang kagubatan nito at maiwasan ang pagbaha sa ilang lugar sa Luzon.
“The effects of climate change sweep far and wide and affect all sectors of society and governance, so we cannot simply turn a blind eye,” pahayag ng kongresista.
Sa inihaing House Bill No. 1972, layon niyong bumuo ng Sierra Madre Development Authority (SMDA). Kabilang ito sa priority bills ni Nograles sa 19th Congress.
Paliwanag ng kongresista, kailangang maprotektahan ang Sierra Madre region, kabilang ang 86 na itinuturing na protected areas, kasama ang national parks, watershed forest reserves, natural monuments, marine reserves, at protected landscapes and seascapes.
Sa ilalim ng panukala, ipag-uutos sa SMDA ang mga sumusunod na tungkulin:
– Magsagawa ng komprehensibong survey ng physical at natural resources ng Sierra Madre region
– Bumuo ng komprehensibong plano upang matipid at magamit sa social and economic development ng rehiyon
– Magbigay ng makinarya para sa planning, management, at technical assistance
– Magbigay ng mga rekomendasyon sa mga kinauukulang ahensya ukol sa financing at technical support para sa agricultural, industrial, at commercial projects
– Mag-assess at aprubahan ang lahat ng plano, programa, at proyekto na ipapanukala ng lokal na pamahalaan o ahensya sa rehiyon
– Maglatag ng mga planp, programa, finance at infrastructure projects
– Pag-aralan ang conservation, improvement, exploration, development, at maintenance ng Sierra Madre Mountain Range.
Pagdidiin pa ni Nograles, kailangan ding ikasa ng SMDA ang mga kampanya upang itigil ang illegal logging at mai-promote ang reforestation, iwasan ang konstruksyon ng unwarranted at illegal infrastructure, pagbutihin ang indigenous resources.
“The onset of the rainy season should serve as a stark warning for us in Congress that climate change is not an issue that will go away. We need to confront it head-on and seek to craft legislation that would comprehensively address the myriad issues surrounding it,” ani Nograles.
Dagdag nito, “Inihahain namin ang panukalang batas na ito para sa mga kababayan nating lagi na lang nangangamba sa tuwing darating ang tag-ulan. Kami sa Montalban ay sawa na sa baha, sa takot at perwisyo na dulot nito. Umaasa kaming masusuportahan ang panukalang-batas na ito upang makapamuhay kami nang matiwasay.”