Sen. Win Gatchalian inasunto ng cyberlibel si dating Energy Sec. Alfonso Cusi

By Jan Escosio July 15, 2022 - 10:24 AM

(Office of Sen. Gatchalian)

 

Naghain ng kasong cyberlibel si Senator Sherwin Gatchalian laban kay dating Energy Secretary Alfonso Cusi sa Valenzuela City Prosecutors Office.

Ang kaso ay base sa lumabas na pahayag ni Cusi sa website ng Department of Energy (DOE) noong nakaraang Pebrero 4 na ayon sa senador ay malisyoso at mapanira sa reputasyon at integridad.

Paniwala ni Gatchalian ang pahayag ni Cusi ay patama din sa pinamumunuan niyang Committee on Energy noong nakaraang 18th Congress.

Lumabas ang pahayag ni Cusi kasabay ng pag-iimbestiga ng komite sa paglipat ng 45 porsiyentong interes sa Malampaya gas project ng Chevron Phils.

“A simple reading of Cusi’s statement shows that he characterizes the conduct of the Senate investigation as being tainted with bad faith for being highly irregular and politicized,” ani Gatchalian.

Magugunita na naglabas ng pahayag si Cusi matapos ipadala sa Office of the Ombudsman ang Senate Resolution No. 137, kung saan bahagi ng rekomendasyon ay ang paniniwala ng Senado na makasuhan sina Cusi at iba pang opisyal ng kagawaran.

Dapat din aniya ay inilabas ni Cusi ang kanyang mga saloobin ukol sa paniniwala niyang may interes ito sa proyekto o inireklamo siya sa Senate Ethics Committee o kahit sa Ombudsman.

TAGS: Alfonso Cusi, cyberlibel, news, Radyo Inquirer, win gatchalian, Alfonso Cusi, cyberlibel, news, Radyo Inquirer, win gatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.