PNP OIC Danao pabor sa parusang bitay sa bigtime drug traffickers

By Jan Escosio July 15, 2022 - 10:15 AM

Screengrab from PNP’s Facebook video

 

Matagal na dapat ibinalik ang parusang kamatayan sa bigtime drug traffickers. Ito ang paniniwala ni PNP officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao. Ginawa ni Danao ang pahayag kasunod paghahain muli ni Sen. Ronald dela Rosa ng panukalang pagbabalik ng death penalty sa mga bigtime drug traffickers at plunderers. “We welcome that development. Unang una alam naman natin kung ano talaga yung illegal effects ng iliegal na droga sa pangangatawan ng tao, especially for those who are drug dealers who were caught with so many kilos of illegal drugs, I think its hightime to really bring back death penalty lalong lalo na sa aspeto na yan sa iligal na droga,” sabi ni Danao. Una nang tiniyak ni dela Rosa na limitado lamang sa bigtime drug traffickers ang mga nais niyang maparusahan ng parusang kamatayan. Paliwanag niya, ito ay upang hindi masabi na ‘anti-poor’ ang kanyang panukala.

TAGS: bigtime drug traffickers, bitay, news, Radyo Inquirer, Ronald dela Rosa, Vicente Danao, bigtime drug traffickers, bitay, news, Radyo Inquirer, Ronald dela Rosa, Vicente Danao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.