Ilang senador ikinatuwa ang pagtatalaga kay Usec. Vergeire bilang OIC ng DOH

Nagpahayag ng kanilang tiwala ang ilang senador kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire – Singh bilang officer-in-charge ng Department of Health (DOH).

Sinabi ni Sen. Christopher Go, ang namumuno sa Senate Committee on Health, na nakita naman ng sambayanan ang ipinakitang dedikasyon ni Vergeire sa pagtupad sa kanyang mga tungkulin.

Ayon naman kay Sen. Sonny Angara kapansin-pansin ang mga propesyonal na pagkilos ni Vergeire sa gitna ng napakamaraming isyu ukol sa pagtugon ng gobyerno sa pandemya.

“Sana wala ng magiging mga isyu sa paggastos ng pondo ng departamento lalo na sa mga malalaking kontrata at alegasyon ng katiwalian,” sabi pa ni Angara.

Si Senate President Pro Tempore Juan Miguel Zubiri sinabi na si Vergeire ang nagsilbing ‘mukha’ ng kagawaran at nagawa niya ang kanyang mga trabaho ng walang pamumulitika at ingay.

Paniniwala naman ni Sen. Grace Poe nakuha ni Vergeire ang respeto ng sambayanan at maari din siyang maikunsidera sa mga pagpipilian na itatalagang bagong kalihim ng DOH.

Read more...