Limang siyudad sa Metro Manila mawawalan ng suplay ng tubig

By Chona Yu July 15, 2022 - 08:21 AM

Makararanas ng water service interruption ang ilang customers ng Maynilad.

Ito ay dahil sa aksidenteng nataamn ng third party contractor ang water pipe ng Maynilad sa Pureza Street corner Abad Santos sa Sta. Mesa Manila.

Kabilang sa mga mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang barangay sa Manila, Makati, Paranaque, Las Pinas at Pasay.

Alas 11:00 ngayong umaga, July 15 hanggang 8:00 ng gabi ng July 16 mawawalan ng suplay ng tubig.

Magpapakalat naman ang maynilad ng mobile water tankers sa mga apektadong lugar.

Pinapayuhan ang mga customers na mag-imbak ng tubig.

Ayon sa Maynilad, inaayos na ang nasirang pipe line.

TAGS: las pinas, Makati, manila, maynilad, news, Paranaque, Pasay, Radyo Inquirer, Walang Tubig, las pinas, Makati, manila, maynilad, news, Paranaque, Pasay, Radyo Inquirer, Walang Tubig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.