Aabot sa 268 na trash traps ang ilalagay ng Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau (DENR-EMB) sa mga daluyan ng tubig o tributaries patungong Pasig, Tullahan, Meycauayan, at Pampanga Rivers, na kabilang sa mga pinaka maruming ilog at may malaking kontribusyon sa polusyon sa Manila Bay.
Ayon kay DENR-EMB Director William Cuñado, ang proyekto ay bilang suporta sa National Plan of Action for the Prevention, Reduction, and Management of Marine Litter (NPOA-ML).
Ito aniya ay isang national marine litter framework plan na nakapaloob sa “Zero Waste to Philippine Waters by 2040.”
Ayon kay Cuñado, layunin ng proyekto na mapabuti ang waste collection at disposal sa mga daluyan ng tubig na makatutulong na makabawas sa pagbabaha kapag panahon ng tag-ulan.
“We are working closely with the local government units, seeking their suggestions from procurement to installation, to ensure that these trash traps are installed in strategic locations and maximized for the benefit of the LGU and the communities residing in these water bodies,” pahayag ni Cuñado.
“We need to control the additional leakage of waste into our water bodies. For this year, EMB will augment the existing activities of the DENR related to the implementation of NPOA-ML,”ayon kay Cuñado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.