Pilipinas, nakapagtala ng 2,371 na bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala ng 2,371 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa araw ng Huwebes, Hulyo 14.

Base sa datos ng Department of Health (DOH), umabot na sa 3,725,382 ang kabuuang bilang ng naitalang kaso ng nakahahawang sakit.

Sa nasabing bilang, 16,244 pa ang aktibong kaso.

Nasa 3,648,497 o 97.9 porsyento naman ang COVID-19 recoveries habang 60,641 o 1.6 porsyento na ang COVID-19 related deaths.

Patuloy namang hinihinakayat ang publiko na magpabakuna at tumanggap ng booster shot upang magkaroon ng dagdag-proteksyon laban sa COVID-19.

Read more...