Umiiral pa rin ang Southwest Monsoon o Habagat sa Kanlurang bahagi ng bansa.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Raymond Ordinario, partikular na naaapektuhan nito ang Gitna at Hilagang Luzon.
Asahan naman aniya ang maaliwalas na panahon, maliban sa posibleng maranasang localized thunderstorms sa buong bansa.
Sa ngayon, walang nakataas na gale warning sa anumang baybayin ng bansa kung kaya’t malayang makakapalaot ang mga sasakyang pandagat.
Sa susunod na tatlong araw, walang inaasahang bagyo na papasok o mabubuo sa teritoryo ng bansa.
Samantala, lumabas na ang low pressure area (LPA) sa Philippine Area of Responsibility (PAR), Huwebes ng umaga.
READ NEXT
WATCH: Pangulong Marcos, nasa mabuting landas sa pagpapatupad ng ‘rightsizing’ – VP Duterte
MOST READ
LATEST STORIES