Arestado ang isang dentista at kanyang live-in-partner dahil sa kanilang illegal drug activities sa Camaligan, Camarines Sur noong Miyerkules, Hulyo 13.
Inilunsad ang drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa bahagi ng Zone 4 ng Barangay Tarosanan.
Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto nina Jeffrey Zorilla, 46-anyos, at Fairly Rose Margallo, 36-anyos.
Nakumpiska ng nga awtoridad sa dalawang suspek ang limang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000 at ilang drug paraphernalia.
“We do not favor anyone, regardless of their social status or profession, in our drive against illegal drugs. Pieces of evidence are now being prepared for the filing of charges against the suspects,” pahayag ni Philippine National Police (PNP) OIC Lt. Gen. Vicente Danao Jr.
Mahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.