‘Anti-Shock Medical Bill’ bill muling inihain ni Sen. Lito Lapid

By Jan Escosio July 14, 2022 - 12:43 PM

Sa kanyang kagustuhan na maging malinaw sa isang pasyente ang matatanggap at babayaran na serbisyong-medikal, muling inihain ni Senator Lito Lapid ang Medical Transparency Act.

Paliwanag ni Lapid, makakatulong ang kanyang panukala sa mga pasyente ng serbisyong medikal o pangkalusugan na makakabuti sa kanila.

Nakasaad din aniya na dapat ay maging malinaw sa mga pasyente ang mga serbisyo na angkop sa kanilang pangangailangan para aniya maiwasan ang biglaang gastos.

“Sa pagpasok ng bagong Kongreso, isa pa rin sa ating prayoridad na isinusulong ang pagkakaroon ng akses ng ating mga kababayan sa dekalidad at abot-kayang pagpapagamot at check-up upang sila ay makaiwas sa ,ga surprise billing,” dagdag pa ni Lapid.

Gusto nito na maging malinaw sa publiko ang halaga ng mga serbisyong medikal na alok ng mga ospital, klinika at iba pang pasilidad na pangkalusugan.

“Sa ilalim ng panukalang ito, layunin nating maging pro-aktibo ang ating mga ospital at healthcare providers sa pagbibigay alam sa publiko kung magkano mismo ang kanilang kailangang bayaran para sa mga serbisyo, gamot at iba pang bayarin,” paliwanag pa ng senador.

TAGS: healthcare, Lito Lapid, healthcare, Lito Lapid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.