‘Build, Build, Build’ Bill inihain ni Sen. Mark Villar
Sa kagustuhan na maipagpatuloy ang pagpapatayo ng mga imprastraktura sa bansa, inihain ni Senator Mark Villar ang ‘Build, Build, Build’ Act.
Sa kanyang panukala, nakapaloob ang 30-Year National Infrastructure Program, na ang layon ay mapagbuti pa ang buhay ng mga Filipino.
“Importante po na isulong natin sa Senato ang Build, Build, Build program dahil ang pagkakaroon ng pangmatagalang plano para sa programang pang-imprastraktura ay makakapagpalago ng ekonomiya ng bansa,” diin ng baguhang senador.
Si Villar ang isa sa mga pangunahing nagpatupad ng ‘Build, Build, Build’ program ng nakalipas na administrasyon bilang kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Nakasaad din sa panukala ang mga polisiya at istratehiya para kilalanin ang mga proyekto na kailangang bigyang prayoridad ng gobyerno.
Kabilang na aniya ang sa sektor ng transportasyon, enerhiya, tubig, maging information and communications technology at social infrastructure systems.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.