Pagtaas sa minimum age ng domestic workers pinalilinaw sa DOJ

INQUIRER file photo

Hinihintay pa ng Department of Migrant Workers (DMW) ang tugon ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa bagong batas na nagtataas sa 24-anyos sa domestic workers na maaring makapagtrabaho sa ibang bansa.

Sinabi ni Migrant Workers Sec. Toots Ople na pinalilinaw na niya sa DOJ ang mga probisyon sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022.

Ipinagbabawal sa batas ang pagkuha sa isang wala pang 24-anyos para magtrabaho sa ibang bansa.

Batid na ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang naturang probisyon.

Partikular na nais malinawan ni Ople ang isyu ukol sa mga wala pang 24-anyos ngunit nakakuha na ng overseas employment certificate (OEC) bago pa man maipatupad ang batas.

Dapat din aniyang linawin ng DOJ kung papayagan ng Bureau of Immigration ang isang may hawak ng OEC ngunit wala pang 24-anyos.

Read more...