Ang halos walang tigil na pag-ulan ang itinuturong dahilan sa nangyaring flashfloods sa Banaue, Ifugao noong nakaraang linggo, ayon sa Mines and Geosciences Bureau.
Ayon sa kawanihan, hindi na kinaya ng lupa na masipsip ang tubig-ulan, base na rin sa mga larawan mula sa mga residente at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).
Paliwanag ni Fay Apil, regional director ng MGB-Cordillera, kapansin-pansin na ang tubig ay may halong putik at debris.
Nabatid na mula Hulyo 2 hanggang Hulyo 6, halos hindi tumigil ang pag-ulan at sa mga nabanggit na araw ay nasa Yellow Rainfall Warning ang Banaue base sa datos ng PAGASA.
Sa ginawang pagtataya, 100 hanggang 119 millimeters ng ulan ang bumagsak sa Banaue sa mga nabanggit na araw.
“Heavy rainfall apparently proceeded up to July 7 where series of flashflood and landslide occurred,” ani Apil sa isinumite niyang ulat sa Regional Disaster Risk Reduction Management Council (RDRRMC).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.