Pope Francis itinalaga si Manila Archbishop Advincula sa Vatican position

CBCP photo

Magsisilbing miyembro ng Dicastery for Bishops ng Vatican si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Kasunod ito nang pagtatalaga sa kanya sa posisyon ni Pope Francis.

Paliwanag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), tungkulin ng miyembro ng Dicastery na tumulong sa pagpili sa mga itatalagang obispo sa iba’t ibang diyosis sa pamamagitan ng pagpapayo sa Santo Papa.

“The ultimate decision in appointing bishops rests with the pope, and he is free to select anyone he chooses. Usually, the pope’s representative in a country, the apostolic nuncio, passes on recommendations and documentation to the Vatican,” ayon sa CBCP.

Magugunitang itinalaga na rin ng Santo Papa si Cardinal Advincula sa Congregation for the Clergy.

Read more...