“Naging pangangailangan na ang internet katulad ng kuryente at tubig. Umaasa tayo dito para sa kalusugan, edukasyon, negosyo, pamamahala at marami pang iba,” paliwanag ni Poe sa paghahain ng ‘Better Internet’ bill.
Sa simpleng pagpapaliwanag ng senadora, sinabi nito na layon naman ng kanyang panukala na magkaroon ng mabilis, maaasahan, ligtas at murang serbisyo ng internet sa bansa.
Nakasaad sa panukala na palawakin ng internet service providers (ISPs) ang sakop ng kanilang serbisyo at tiyaking maaasahan ang bilis ng koneksyon ng internet.
Naniniwala si Poe na malaking tulong sa mamamayan ang mabilis at malawak na internet connection para makaraos sa araw-araw na pamumuhay.