Sen. Grace Poe umaksyon para mapagbuti ang internet services at access sa bansa

By Jan Escosio July 14, 2022 - 07:24 AM

Inihain muli ni Senator Grace Poe ang panukalang batas para mapagbuti ang internet service at access sa bansa.

“Naging pangangailangan na ang internet katulad ng kuryente at tubig. Umaasa tayo dito para sa kalusugan, edukasyon, negosyo, pamamahala at marami pang iba,” paliwanag ni Poe sa paghahain ng ‘Better Internet’ bill.

Sa simpleng pagpapaliwanag ng senadora, sinabi nito na layon naman ng kanyang panukala na magkaroon ng mabilis, maaasahan, ligtas at murang serbisyo ng internet sa bansa.

Nakasaad sa panukala na palawakin ng internet service providers (ISPs) ang sakop ng kanilang serbisyo at tiyaking maaasahan ang bilis ng koneksyon ng internet.

Naniniwala si Poe na malaking tulong sa mamamayan ang mabilis at malawak na internet connection para makaraos sa araw-araw na pamumuhay.

TAGS: grace poe, Internet, grace poe, Internet

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.