Operasyon ng MRT-3, naantala dahil sa nahulog na construction canvas

By Angellic Jordan July 13, 2022 - 07:21 PM

DOTr photo

Ilang minutong naantala ang operasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Miyerkules ng umaga (Hulyo 13).

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, bunsod ito ng nahulog na construction canvas mula sa kalapit na gusali sa bahagi ng Overhead Catenary System (OCS) line sa pagitan ng North Avenue at Quezon Avenue stations.

Nahulog ang construction canvas bandang 10:23 ng umaga.

Agad kumilos ang OCS engineers upang ligtas na maialis ang naturang obstruction.

Bandang 10:47 ng umaga, naialis ang construction canvas at bumalik sa normal ang operasyon dakong 10:53 ng umaga.

TAGS: DOTrMRT3, DOTrPH, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SulongMRT3, DOTrMRT3, DOTrPH, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SulongMRT3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.