Gumaling na sa sakit na COVID-19 si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, base sa health bulletin na inilabas ng personal physician ng Pangulo na si Dr. Samuel Zacate, wala nang sintomas ng COVID-19 ang Punong Ehekutibo sa nakalipas na dalawang araw.
Binisita aniya ni Zacate ang Pangulo sa kanyang tahanan bandang 10:00, Miyerkules ng umaga (Hulyo 13), at sumailalim sa masusing eksaminasyon.
“Dr. Zacate gave the happy news that on the 5th and 6th day of his isolation, the President is now free from all symptoms of Covid 19,” pahayag ni Angeles.
Sinabi aniya ni Zacate na natapos na ng Pangulo ang kanyang medication.
Matatapos aniya ang isolation ng Pangulo sa Biyernes, Hulyo 15.
Handa na aniya ang Pangulo sa face-to-face engagements.
“Dr. Zacate told the President that that he still needs to complete his seven-day isolation as mandated by the health department’s protocol,” pahayag ni Angeles.
“The President’s vital signs are all within normal limit. He has no signs of respiratory distress and very comfortable,” saad pa ni Angeles base sa health bulletin na inilabas ni Zacate.