Lalaking armado at hinihinalang lulong sa droga, arestado sa EDSA Monumento

By Angellic Jordan July 13, 2022 - 02:43 PM

Photo credit: I-ACT/Facebook

Naaresto ng mga operatiba ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) at Philippine Coast Guard (PCG) ang isang armadong lalaki na hinihinalang lulong sa ilegal na droga sa EDSA Monumento Busway Station, Miyerkules ng hating-gabi.

Makaraang mapansin ng isang concerned passenger na mayroong dalang ice pick ang lalaki, agad itong bumaba at iniulat sa mga awtoridad.

Agad sumakay ng bus ang mga awtoridad upang disarmahan at hulihin ang armadong lalaki.

Napansin ng mga operatiba na mayroon itong impluwensya ng ilegal na droga dahil wala ito sa sarili at hindi alam ang kanyang pagkakakilanlan.

Nakuha sa lalaki ang ilang patalim, ice pick, at hinihinalang sumpak.

Dinala ang lalaki sa kustodiya ng Caloocan police upang sampahan ng kaukulang kaso.

TAGS: DOTrPH, IACT, InquirerNews, RadyoInquirerNews, DOTrPH, IACT, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.