Pagwasak sa kinumpiskang smuggled luxury vehicles hindi na gagawin
Tinuldukan na ng Bureau of Customs (BOC) ang pagwasak sa mga nakukumpiskang smuggled vehicles.
Ito ang sinabi ni Comm. Rey Guerrero at aniya sa halip ay ibebenta na lamang nila ito para madagdagan ang pondo ng gobyerno.
Ibinahagi ni Guerrero na sa ngayon may 20 luxury vehicles silang ipapasubasta at maaring kumita ang kawanihan ng P100 milyon.
Ang pagwasak ng mga smuggled vehicles ay ipinag-utos ni dating Pangulong Duterte upang bigyang babala ang mga smugglers.
Ayon naman kay Customs Deputy Comm. Edward James Dy Buco magsasagawa sila ng masusing background at character check sa mga sasali sa subasta para masiguro na hindi makakasama ang mga smugglers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.