Lisensiya ng motorcycle rider na nakipagtalo sa siklista, binawi

By Chona Yu July 13, 2022 - 10:31 AM

Hindi na maaring magmaneho ang motorcycle rider na ang video ng pakikipagtalo sa isang siklista sa Quezon City ay naging viral sa social media.

Ito ay dahil binawi ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya ni Romeo Morales.

Base sa video, muntik nang mabangga ni Morales ang siklista na bumabagtas sa bicycle lane kayat nagkaroon ng pagtatalo.

Agad na inatasan ng Department of Transportation (DOTr) ang LTO na hanapin ang rider, na ipinagharap ng reckless driving at obstruction kayat pinagmulta ng P3,000.

“The LTO moved to revoke Morales’ professional driver’s license for being an improper person to operate a motor vehicle,” ayon sa ahensiya.

Inatasan din ito na ilipat na ang rehistro ng pagmamay-ari niyang motorsiklo.

TAGS: license, lto, rider, viral video, license, lto, rider, viral video

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.