DA tinukoy ang mga dahilan ng kakapusan ng suplay ng manok

Inilatag ng Department of Agriculture (DA) ang mga dahilan nang kakapusan ng suplay ng manok sa bansa.

Sinabi ni DA – Bureau of Animal Industry OIC Reildrin Morales isa sa mga dahilan ay ang pagtaas ng pangangailangan sa karne ng manok bunsod na rin ng pagbubukas ng merkado, fast food chains at hotels.

“Ang ating demand ay biglang tumaas given na ang ating production ay nakaakma noong 2021 level kaya numipis ang supply,” aniya.

Nakaapekto din niya aniya ang digmaan sa pagitan ng Ukraine at Russia dahil sa importasyon ng chicken feeds, na tumaas ang presyo kayat naapektuhan ang poultry meat producers.

Dagdag pa ng opisyal nakadagdag din sa mga dahilan ay ang pabago-bagong panahon sa bansa na hindi akma sa pag-aalaga ng mga manok.

Gayundin ang isyu ng avian flu, na nagresulta sa mahigpit na pagbiyahe sa mga manok.

Read more...