Updated crime mapping data hiningi sa station commanders

By Jan Escosio July 13, 2022 - 08:40 AM

Inatasan ng pamunuan ng PNP ang lahat ng mga police chief at station commander sa bansa na regular na i-update ang kanilang crime mapping data para mapababa ang bilang ng mga krimen.

Sinabi ni PNP director for operations, Maj. Gen. Val de Leon napakahalaga na alam ng bawat police commander ang peace and order situation sa bawat komunidad at kalye ng kanyang nasasakupan.

Aniya ito naman ay alinsunod na rin sa kautusan ni Interior Sec. Benhur Abalos na dapat ay ligtas ang kalsada sa lahat para makahikayat ng mga banyagang mamumuhunan at turista.

“While our Commander-in-Chief, President Marcos, and his economic team will be busy improving the lives of the Filipino people, we should do our part by doing more in terms of peace and order in the country,” ani de Leon.

Diin pa ng opisyal dapat ay malinaw sa bawat police commander ang nangyayari sa kanyang kapaligiran para sa maayos at malinaw na anti-crime plan.

TAGS: crime, peace and order, PNP, crime, peace and order, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.