Senator Robinhood Padilla at hindi lamang Robin Padilla ang inihirit ng baguhang mambabatas na itawag sa kanya sa Senado.
Sa kanyang sulat kay Senate Sec. Myra Marie Villarica, sinabi ng senador na nais niyang kilalanin sa kanyang tunay na pangalan na ‘Robinhood.’
“This is to respectfully inform your good office of his Representation’s preference to be addressed as ROBINHOOD C. PADILLA for all Senate communications and correspondences,” ang banggit ni Padilla sa kanyang sulat.
Nabatid na Robinhood Ferdinand Padilla ang tunay na pangalan at nakilala siya sa mundo ng showbiz bilang Robin Padilla.
Nang tanungin ng Senate media sa kanyang katuwiran, ang sagot ni Padilla; ““Mainam po kasi na tunay na pangalan ko po ang gamitin sa records ng Senado. Pero sa media po ok lang po na Robin.”