Bagong LTFRB chair, sinubukan ang pagsakay sa EDSA Busway
Sinubukan ng bagong chairman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na si Atty. Cheloy Velicaria-Garafil ang pagsakay sa EDSA Busway, araw ng Martes (Hulyo 12).
Kasama ni Velicaria-Garafil ang iba pang opisyal ng naturang ahensya.
Bandang 7:00 ng umaga nang pumunta si Velicaria-Garafil sa EDSA Busway Monumento.
Layon nitong maobserbahan ang galaw ng mga pasahero at Public Utility Bus (PUB) sa naturang daan hanggang sa huling istasyon sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Parańaque City.
Sa ngayon, patuloy ang Libreng Sakay sa EDSA Busway, sa ilalim ng Service Contracting Program, hanggang Hulyo 31.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.