Permit sa pagpapatayo ng gumuhong pader sa Tagaytay City, susuriin

Kuha ni Jan Escosio/Radyo Inquirer On-Line

Magiging bahagi ng gagawing pag-iimbestiga ang mga papeles na may kaugnayan sa gumuhong pader, na nagresulta sa pagkamatay ng anim na obrero sa lungsod ng Tagaytay.

Ibinahagi ni City Administrator Gregorio Monreal na base sa unang impormasyon, kumpleto sa mga dokumento ang pagpapatayo ng paunang pader, ngunit duda niya, kung may koordinasyon sa kanilang City Engineering Officer ang ginawang pagdadagdag sa taas ng pader.

Sa kanilang pagtataya, aabot sa 30 talampakan ang taas ng gumuhong pader na bumagsak sa barracks ng mga biktima.

Samantala, ayon kay Marco Paulo Abarrientos, foreman ng itinatayong bahay at nakaligtas sa trahedya, itinayo nila ang kanilang barracks sa gilid ng pader matapos tiyakin sa kanila na matibay ito.

Ang gumuhong bahagi ng dambuhalang pader ay eksakto sa barracks ng mga biktima.

Bukod sa barracks, natabunan din ng pader ang dalawang stainless water tanks at isang sasakyan.

Read more...