LPA, Habagat magpapaulan pa rin sa ilang bahagi ng Luzon, Visayas
Mahigpit pa ring tinututukan ng PAGASA ang umiiral na low pressure area (LPA) sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Ana Clauren-Jorda, huling namataan ang LPA sa layong 180 kilometers Silangan ng Casiguran, Aurora.
Mababa pa rin ang posibilidad na maging bagyo ang naturang sama ng panahon sa susunod na 24 hanggang 48 oras.
Samantala, patuloy na nakakaapekto ang Southwest Monsoon o Habagat sa Kanlurang bahagi ng Western at Southern Luzon, at Visayas.
Kapwa magdadala pa rin ng kalat-kalat na pag-ulan ang LPA at Habagat sa Metro Manila, Central Luzon, MIMAROPA, Bicol region, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya at sa Western Visayas.
Sinabi pa ng PAGASA na wala pa ring nakataas na gale warning sa kabila ng umiiral na LPA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.