Babae, huli sa pagtatangkang magpuslit ng P2.3-M halaga ng shabu sa Bilibid

By Jan Escosio July 12, 2022 - 05:23 PM

Inaresto ang isang babae sa pagtatangkang magpasok ng shabu sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Kinilala ang naaresto na si Racquel Zuñiga, 33-anyos.

Nakuha sa kanya ang 350 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2.3 milyon.

Nadiskubre sa suspek ang droga nang sumailalim ito sa body inspection bandang 5:00, Linggo ng madaling-araw, Hulyo 10.

Dadalawin dapat ni Zuñiga ang isang preso sa Maximum Security Compound nang siya ay arestuhin at mahaharap siya sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nakalagay ang mga droga sa apat na plastic sachets.

TAGS: Bilibid, InquirerNews, NBP, Racquel Zuñiga, RadyoInquirerNews, shabu, Bilibid, InquirerNews, NBP, Racquel Zuñiga, RadyoInquirerNews, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.