Publiko, binalaan ukol sa pekeng FB account ng isang BOC district collector

By Angellic Jordan July 12, 2022 - 04:40 PM

Nagbabala ang Bureau of Customs (BOC) – NAIA sa publiko ukol sa mga indibiduwal na gumagamit ng pekeng Facebook account na may pangalang “Carmelita Talusan.”

Nagpapanggap ang gumagamit ng account bilang District Collector upang makapanloko ng mga biktima.

Paglilinaw ng ahensya, walang Facebook account si BOC-NAIA District Collector Carmelita Talusan.

Hindi rin anila gumagamit si Talusan ng naturang social media platform upang makipag-ugnayan at mag-transact ng mga usapin ukol sa BOC.

“Any official communication to the public is coursed through the Office of the District Collector – NAIA Public Information Office,” diin pa ng ahensya.

Sakaling nagkaroon ng transaksyon sa nasabing pekeng FB account, maaring i-report sa mga sumusunod na BOC NAIA Assistance Hotlines; (0961)-759-4067, (0961)-759-4068, (0919)-925 6785, (0932)-844-3390 o magpadala ng e-mail sa [email protected].

TAGS: BOC, Carmelita Talusan, InquirerNews, RadyoInquirerNews, BOC, Carmelita Talusan, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.