COVID-19 cases sa NCR, posibleng umabot na o nasa rurok na – OCTA

By Angellic Jordan July 12, 2022 - 04:11 PM

Photo credit: Dr. Guido David/Twitter

Posibleng umabot na o nasa rurok na ang mga kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David, base sa mga datos, bumabagal na ang pagtaas ng mga kaso ng nakahahawang sakit.

Mula sa 57 porsyento noong Hulyo 4, nasa 32 porsyento na ang weekly growth rate sa NCR noong Hulyo 11.

Mula naman sa 1.59 noong Hulyo 1, nasa 1.47 na ang reproduction number noong Hulyo 8.

“The trends should be clearer after a week,” pahayag ni David.

Base pa sa datos, nasa 710 ang 7-day average ng COVID-19 cases sa NCR, katumbas ng average daily attack rate (ADAR) na 4.93 kada araw sa kada 100,000.

“HCUR in the NCR increased to 28% while 20% of COVID-19 ICUs in the NCR were occupied,” dagdag nito.

TAGS: BreakingNews, COVID, COVIDcases, COVIDmonitoring, GuidDavid, InquirerNews, OCTA, OCTAResearch, RadyoInquirerNews, TagalogBreakingNews, BreakingNews, COVID, COVIDcases, COVIDmonitoring, GuidDavid, InquirerNews, OCTA, OCTAResearch, RadyoInquirerNews, TagalogBreakingNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.