Pangulong Marcos, nagsagawa ng Cabinet meeting kahit COVID-19 positive
Kahit positibo sa COVID-19, nagsagawa pa rin ng Cabinet meeting si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Gayunman, dumalo si Marcos sa pagpupulong sa pamamagitan ng teleconferencing dahil hindi pa tapos ang kanyang isolation.
9:00, Martes ng umaga (Hulyo 12), nang magsimula ang Cabinet meeting.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, sumentro ang Cabinet meeting sa usapin sa 2023 national budget, “Build, Build, Build” program, at transporation program.
Partikular aniyang tinalakay sa national budget ang Broad-based and Inclusive Economic recovery ang Growth.
Tinalakay naman sa “Build, Build, Build” ang infrastructure convergence program.
Sa transportasyon, sinabi ni Angeles na napag-usapan ang Priority Transportation programs and projects.
Natalakay din sa Cabinet meeting ang mga plano ng Department of Budget and Management (DBM), pati na ang mga programa sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Matatandaang sa unang Cabinet meeting ng Pangulo noong July 5, natalakay ang usapin sa inflation o ang pagtaas ng pangunahing bilihin.
Base sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, 57 porsyento sa mga Filipino ang umaasang bibigyang prayoridad ng Pangulo ang pag-control sa inflation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.