P82-B na bayad ng DOF sa Maynilad at MWCI, ipina-hold ng DOJ

By Kathleen Betina Aenlle May 30, 2016 - 04:19 AM

 

MayniladHinarang muna ng Department of Justice (DOJ) ang pagba-bayad ng Department of Finance (DOF) ng mahigit P82 bilyon sa dalawang malalaking water concessionaires sa bansa.

Naniningil na kasi ng indemnification o reimbursement ang Manila Water Company Inc. at Maynilad Water Services Inc. para sa kanilang mga ikinalugi dahil sa mga bagong polisiya ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System.

Humingi ng legal opinion si Finance Secretary Cesar Purisima sa DOJ upang matukoy kung dapat nga bang mayaran ang mga nasabing kumpanya base sa kanilang naging performance alunsunod sa kanilang concession agreement sa MWSS sa ngalan ng gobyerno.

Gayunman, Ipinunto ni Chief State Counsel Ricardo Paras sa kaniyang legal opinion na parehong may limang kaso na kinakaharap ang Maynilad at MWCI sa Supreme Court kaugnay sa pagta-taas ng singil sa tubig at mga kontrobersyal na kontrata.

Kaya naman inutos muna ng DOJ na hintayin muna ng DOF ang magiging desisyon ng Supreme Court sa mga kasong kinakaharap ng dalawang kumpanya bago ipagpatuloy ang pagbabayad sa kanila.

Ayon pa kay Paras, tinanong na rin ang Korte Suprema kung dapat bang ikonsidera bilang public utilities ang MWCI at Maynilad o kung dapat ba nilang bawiin mula sa mga consumers ang kanilang corporate income taxes.

Pinalilinaw na rin sa hukuman kung valid nga ba ang performance undertakings na inilabas ng pamahalaan at kung sakop ba ng undertakings ang kanilang mga kahilingan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.