DepEd dapat kumuha ng mga bagong guro – teachers’ group

By Jan Escosio July 12, 2022 - 09:04 AM

Photo credit: San Jose Central School/Facebook

Para matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante sa pagbubukas muli ng mga klase, sinabi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na dapat ay dagdagan ng Department of Education (DepEd) ang mga guro.

Ito ay magbibigay daan, ayon sa ACT, para mabawasan naman ng mga mag-aaral sa bawat klase.

Sinabi ni ACT Philippines spokesperson Vladimer Quetua, ang kakulangan ng guro ay paulit-ulit na lamang na isyu.

Aniya hanggang nitong Pebrero, higit 26,000 ang bakanteng posisyon para sa mga guro kayat lumulubo ang ‘backlog’ sa pagkuha ng mga karagdagang guro.

Pagdidiin ni Quetua napakahalaga na mabawasan ang mga estudyante sa bawat classroom para matiyak ang kanilang kaligtasan ngayon nagpapatuloy ang pandemya sa COVID-19.

Sa darating na Nobyembre, ibinahagi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang balak niya na pagpapatupad na ng 100%  in-person classes.

TAGS: ACT, face-to-face classes, news, Radyo Inquirer, Sara Duterte, teachers, ACT, face-to-face classes, news, Radyo Inquirer, Sara Duterte, teachers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.