Nangako si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. na palalakasin ang anti-cybercrime capacity ng Philippine National Police (PNP).
Sa kaniyang talumpati sa flag-raising ceremony ng PNP, ipinahayag ng kalihim ang pagkabahala sa pagtaas ng bilang ng mga cybercrime simula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic noong 2020.
Sinabi pa ni Abalos na tumataas din ang mga kaso ng cyberpornography.
“Alam ko ito ay bagong phenomena sa atin kaya please just inform me anong equipment ang kailangan ninyo,” saad ng kalihim.
Dagdag nito, “Kung kinakailangang mag-seminar o mag-aral pa o kumuha pa ng technical people ang ating tao sa cybercrime, please do so inform us the soonest.”
Kailangan din aniyang magbigay ng kaalaman sa publiko kung paano maiiwasang mabiktima ng cybercrime at mai-report sa mga awtoridad.
Importante aniya ang information dissemination sa naturang usapin.