Higit 10,000 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Pilipinas sa nakalipas na linggo

By Angellic Jordan July 11, 2022 - 05:09 PM

Nakapagtala ng 10,271 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na isang linggo.

Sa COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) hanggang Hulyo 11, 2022, base ito sa naitalang datos simula Hulyo 4 hanggang 10, 2022.

Mas mataas ito ng 39 porsyento kumpara sa mga napaulat na kaso ng nakahahawang sakit noong Hunyo 27 hanggang Hulyo 3.

Nasa 1,467 naman ang daily average cases.

Samantala, may 27 na bagong severe and critical cases habang 50 naman ang pumanaw sa nakalipas na linggo.

Lumabas din sa datos na nasa 22.7 porsyento ang non-ICU bed utilization, kung saan 4,863 sa 21,424 non-ICU beds ang gamit.

17 porsyento naman ang ICU bed utilization, kung saan 411 sa 2,414 ICU beds ang gamit.

Nasa 555 naman ang severe and critical admissions, o 8.7 porsyento ng kabuuang COVID-19 admissions.

TAGS: BreakingNews, COVIDcases, COVIDdeaths, COVIDmonitoring, COVIDrecoveries, doh, InquirerNews, RadyoInquirerNews, TagalogBreakingNews, BreakingNews, COVIDcases, COVIDdeaths, COVIDmonitoring, COVIDrecoveries, doh, InquirerNews, RadyoInquirerNews, TagalogBreakingNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.