Munisipyo at PNP station ng Gov. Generoso, Davao Oriental sinalakay ng NPA

Inquirer file photo
Inquirer file photo

Sinalakay ng mga hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army ang munisipyo at himpilan ng pulisya sa bayan ng Generoso sa Davao Oriental.

Ayon kay Capt. Rhyan Batchar, tagapagsalita ng 10th Infantry Divison ng Army, nagana pang pagsalakay dakong alas 8:00 Linggo ng gabi.

Samantala, sa hiwalay na ulat, sinasabing, dalawang pulis umano ang nasawi at nakuha ang ilang armas sa pagsalakay.

Ang lalawigan ng Davao Oriental ay kilalang lugar kung saan malakas ang presensya ng mga rebelde.

Sa katunayan, ang lugar ay isa sa mga tinututukan ng puwersa ng pamahalaan sa kanilang counter-insurgency operations.

Read more...