Bilang ng mga bagong overhaul na train cars sa MRT-3, nasa 58 na

By Angellic Jordan July 11, 2022 - 05:03 PM

DOTr photo

Umakyat na sa 58 ang bilang ng mga bagong overhaul na light rail vehicles o train cars ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ito ay makaraang madagdagan pa ito ng isa noong Hulyo 8.

14 na lamang sa 72 bagon ng MRT-3 ang kailangan i-overhaul upang maibalik sa dating estado at maayos na performance.

Dumadaan din ang newly-overhauled train cars sa serye ng mga speed at quality checks bago patakbuhin upang matiyak ang ligtas na pagbiyahe ng mga pasahero.

Sinabi pa ng DOTr na nakatutulong ang pagkakaroon ng mas maraming operational train cars sa pagpapataas ng kapasidad ng rail line para mas marami pang pasahero ang mapagserbisyuhan.

Siniguro ng pamunuan ng MRT-3 na tuloy pa rin ang pagpapatupad ng health protocols sa nasabing linya ng tren.

TAGS: DOTrMRT3, DOTrPH, InquirerNews, mrt3, RadyoInquirerNews, SulongMRT3, DOTrMRT3, DOTrPH, InquirerNews, mrt3, RadyoInquirerNews, SulongMRT3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.