Isang LPA, nabuo sa loob ng teritoryo ng bansa

By Angellic Jordan July 11, 2022 - 11:55 AM

DOST PAGASA satellite image

May nabuong low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa abiso ng PAGASA bandang 11:00, Lunes ng umaga (Hulyo 11), huling namataan ang episentro ng LPA sa layong 290 kilometers Silangan ng Legazpi City, Albay dakong 10:00 ng umaga.

Mababa naman ang tsansa na maging tropical depression ang naturang sama ng panahon sa susunod na 48 oras.

Bunsod nito at ng Southwest Monsoon o Habagat, makararanas ng mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Palawan, Mindoro Provinces, Quezon, Bicol Region, Samar, Northern Samar, at Eastern Samar.

Babala ng weather bureau, maaring magdulot ang pag-ulan ng pagbaha at pagguho ng lupa.

TAGS: BreakingNews, habagat, InquirerNews, LPA, Pagasa, RadyoInquirerNews, SouthwestMonsoon, TagalogBreakingNews, WeatheAdvisory, weatherupdate, BreakingNews, habagat, InquirerNews, LPA, Pagasa, RadyoInquirerNews, SouthwestMonsoon, TagalogBreakingNews, WeatheAdvisory, weatherupdate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.