Noise barrage kontra ‘dayaang matuwid’, ipinanawagan

 

Screengrab: Youtube Dayaang Matuwid

Nananawagan ng noise barrage ang isang grupo na nagsasabing nagkaroon ng malawakang dayaan noong nakalipas na halalan.

Sa Facebook at Youtube post ng grupong ‘Dayaang Matuwid’ hinihiling ng mga ito na maglunsad at makilahok sa noise barrage ang taumbayan sa tuwing alas 6:00 ng gabi, araw-araw upang iparating ang hinaing sa anila’y pandarayang pinasimunuan umano ng kasalukuyang adminsitrasyon.

Sa FB at Youtube post, inakusahan ng grupo ang kasalukuyang administrasyon at ang LP na nagpasimuno ng dayaan upang manipulahin ang resulta ng nakaraang eleksyon.

Makikita din umano ang ilang insidente kung saan ginamit ng administrasyon ang kanilang impluwensya at kapangyarihan upang manipulahin at ikundisyon ang isipan ng taumbayan.

Partikular rin aniyang minanipula ang mga boto sa pagka-pangalawang pangulo kaya’t lumitaw na ang manok ng LP na si rep. Leni Robredo ang nanalo sa botohan.

Ang pakikialam din umano ng mga tauhan ng Smartmatic sa ‘script’ ng hasthtag na transparency server ay bahagi ng plano ng kasalukuyang administrasyon upang maisakatuparan ang kanilang ‘Plan B’.

 

Matatandaang una nang ibinunyag ng kampo ni Sen. Marcos ang umano’y ‘Plan B’ kung saan iluluklok si Rep. Robredo bilang pangalawang Pangulo at pagkatapos ay iapap-impeach si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Read more...