700 refugees pinangangambahang nalunod sa Libyan coast-UNHCR
Pinangangambahang nasa 700 katao ang nalunod sa sunud-sunod na paglubog ng mga barkong kinalululanan ng mga ito sa baybayin ng Libya nitong nakalipas na linggo.
Ayon sa United Nations High Commission on Refugees, nitong nakaraang Huwebes, nasa 500 mga refugees na ang iniulat na nawawala nang lumubog ang kanilang barko.
Kabilang pa umano sa mga biktima ay mga bata at sanggol.
Samantala, sa isa pang insidente ng paglubog ng barko na puno ng mga refugees noong Byernes, tinatayang nasa 100 pa ang nawawala at 45 bangkay ang lumutang.
Ayon kay Federico Fossi, tagapagsalita ng UNHCR, nakalulungkot na posibleng hindi matukoy ang mga pagkakakilanlan ng karamihan sa mga biktimang nawawala dahil walang opisyal na record ng kanilang byahe.
Tanging mga testimonya na lamang ng mga survivors ng mga trahedya ang nagkukuwento ng kanilang masaklap na sinapit.
Karamihan sa mga biktima at mga pamilyang tumakas sa kaguluhan sa Sabratha, Libya at umaasang makakarating sa mga bansa sa Europa tulad ng Italy.
Libu-libo nang mga refugee ang tumakas sa naturang bansa sa nakalipas na buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.