Bicycle Rights isinusulong ni Sen. Mark Villar

By Jan Escosio July 09, 2022 - 07:59 AM

DOTr

May panukala si Senator Mark Villar para maisulong ang mga karapatan ng mga bicycle riders.

Sa kanyang inihain na Bicycle Act of 2022, layon ni Villar na magkaroon ng Rights of Bicycle Riders, gayundin ang pagkakaroon ng Local Bikeway Office, na sasailalim sa pangangasiwa ng local engineering office at magpapatupad ng Bicycle Act.

Magiging bahagi din ng responsibilidad ng LBO ang pagtatalaga ng bikeway roadmap at paglalagay ng bikeway network.

“The bill seeks to provide a framework for a bicycle law on a national level so that Filipino commuters may find a cheaper alternative to get to their destination while saving the environment from harmful emissions,” paliwanag ng baguhang senador.

Nakasaad din sa panukala, bukod ang mga karapatan ng mga siklista ang kanilang mga responsibilidad at obligasyon.

Pagdidiin nito, ngayon napakataas ng halaga ng mga produktong-petrolyo, matipid at environment-friendly ang paggamit ng bisikleta.

“Hindi lamang makakatulong sa pangkalusugan ang pagbibisikleta, ngunit nagbibigay din ng alternatibong solusyon sa mataas na presyo ng gasolina, pagtaas ng pamasahe sa transportasyon, polusyon sa hangin, ingay at kabilang ang mga bayad sa paradahan,” ang pangangatuwiran ni Villar.

Sa kanyang pamumuno sa Department of Public Works and Highways (DPWH) isinulong ng husto ni Villar ang pagtatalaga at paggamit ng bicycle lanes.

TAGS: Bike Lane, Mark Villar, Bike Lane, Mark Villar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.