Resolusyon para aralin ang K-12 Program inihain sa Senado

Inihain na ni Senator Sherwin Gatchalian ang resolusyon na layon mabusisi ang pagkasa ng Department of Education (DepEd) ng K to 12 Program.

Sa kanyang resolusyon hiniling ni Gatchalian na ang Committee on Basic Education ang humimay sa pagpapatupad ng RA 10533 o ang Enhanced Basic Education Act of 2013.

Paliwanag ng senador layon ng kanyang hakbang na mapagbuti pa ang programa sa gitna ng mga pagdududa na nakakakuha ng de-kalidad na edukasyon ang mga estudyante sa bansa.

Binanggit niya ang mga mabababang grado na nakuha ng mga Filipinong mag-aaral sa ilang national at international tests.

Naniniwala si Gatchalian na kailangan nang rebisahin ang programa para makatugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral.

Read more...