3 drug suspeks patay sa shootout sa Bohol

By Jay Dones May 29, 2016 - 06:19 PM

 

Mula sa Google Maps

Nasawi ang tatlong hinihinalang tulak ng droga makaraang makipagpalitan umano ng putok sa mga alagad ng batas sa isang drug raid sa lalawigan ng Bohol.

Una rito, nagkasa ng raid ang mga otoridad sa bahay ng isang Rowen Secretaria sa bayan ng Banacon, Bohol.

Nakatanggap ng tip ang mga otoridad sa iligal na operasyon ng suspek kayat sinalakay ng mga ito ang tahanan ni Secretaria.

Gayunman, pumalag umano ito at ilan pang mga suspeks kayat humantong sa shootout ang insidente.

Bagamat nadala pa sa ospital, nasawi ang suspek at dalawa pang hindi nakilalang kasamahan nito samantalang nasugatan naman ang isa pa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.