Lineman ng Quirino Electric Cooperative, patay matapos makuryente sa Maddela

Kuryente
Inquirer file photo

Patay matapos makuryente ang isang technician ng Quirino Electric Cooperative nang ayusin ang isang power line sa bayan ng Maddela sa probinsya ng Quirino.

Nakilala ang biktima na si Evert Lloyd Agpawa na nahulog mula sa itaas ng isang electric post matapos makuryente sa isang live wire.

Naganap ang insidente bandang 10:20 kagabi sa Barangay Sta. Maria.

Ayon kay Chief Insp. Avelino Cuntapay, tagapagsalita ng Quirino police, hindi ikinabit ni Agpawa ang kanyang safety gear nang umakyat ito sa electric post para ayusin ang sirang cable na nagdudulot ng paulit-ulit na brownout sa lugar.

Nabatid na natapos na ni Agpawa ang kinukumpuning kable nang aksidente nitong mahawakan ang live wire.

Dineklarang dead on arrival si Agpawa sa Diduyon District Hospital sa Maddela.

Read more...