“Hindi kailanman sumagi sa isip ko na bigyan ng posisyon sa aking gabinete si Leni Robredo” -Duterte
Taliwas sa mga pahayag ng mga kinatawan ni President-elect Rodrigo Duterte, sinabi ng alkalde na hindi kailanman sumagi sa kanyang isipan na bigyan ng posisyon sa kanyang gabinete si Vice President-elect Leni Robredo.
Tugon ito ni Duterte sa pahayag ng kanyang runningmate na si Sen. Alan Peter Cayetano na kinokonsidera ng alkalde na maging bahagi ng kanyang gabinete si Robredo.
Ayon pa kay Duterte, iniisip pa niya kung anong posisyon ang ibibigay sa kanyang mga tapat na kaibigan na tinulungan siyang maipanalo ang pagkapangulo ng bansa.
Mas binibigyan prayoridad aniya nito ang pagbibigay ng posisyon sa kanyang mga kapartido.
Sinabi rin ni Duterte na hindi pa niya kilala si Robredo at wala pa siyang kinokonsiderang posisyon sa kanyang gabinete na ibibigay sa mambabatas.
Bukas lamang aniya si Duterte sa pagbibigay ng oportunidad kay Robredo ngunit hindi nangangahulugan na bukas ang kanyang pintuan sa pagbibigay ng trabaho sa Incoming Vice President.
Mas gusto ngayon ng Incoming President na makausap si Robredo para makabuo muna ng “good rapport” dahil hindi pa aniya nila kilala ang isa’t isa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.