Weekend road reblocking sa Metro Manila, itutuloy ng DPWH

By Angellic Jordan July 08, 2022 - 02:48 PM

Itutuloy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang weekly schedule ng pagsasaayos ng ilang pangunahing kalsada sa EDSA, C-5, at iba pang bahagi ng Quezon City.

Sisimulan ang aktibidad bandang 11:00, Biyernes ng gabi (Hulyo 8).

Magiging sakop ng road rehabilitation works ang EDSA Northbound sa Santolan MRT Station, bus lane; pagkatapos ng P. Tuazon flyover hanggang Aurora Tunnel, ikatlong lane mula sa center island (fast lane); pagkatapos ng Aurora Boulevard hanggang New York Street, ikatlong lane mula sa center island (intermittent section); at pagkatapos ng Kamuning Road at Kamias Road hanggang JAC Liner Bus Station, sa tabi ng center island sa Quezon City.

Kaparehong aktibidad din ang gagawin sa EDSA Southbound, mula Balingasa Creek hanggang Oliveros Footbridge sa Quezon City at mula sa Bernardino Street hanggang Estrella Street, innermost bus lane, sa Makati City.

Pansamantala ring isasara sa mga motorista ang innermost bus lane ng EDSA Guadalupe Southbound, sakop ang Bernardino Street patungong Estrella Street sa Makati City.

Maaapektuhan din ang mga sumusunod na lane sa bahagi ng Quezon City: Batasan Road, mula Sinagtala Street hanggang IBP-San Mateo Road, ikalawang lane mula sa plantbox; at Visayas Avenue, Road 10 Elliptical Road southbound, ikalawang lane mula sa plantbox at mula sa Elliptical Road hanggang Central Avenue northbound (near Congressional Avenue), ikalawang lane mula sa sidewalk.

Magkakaroon din ng road rehabilitation activities sa bahagi ng C-5 kabilang ang southbound 2nd lane sa Makati City, at Pasig Boulevard southbound, malapit sa Chooks-to-Go Pineda at Doña Julia Vargas Avenue, sa harap ng Sitel Philippines sa Pasig City.

Inabisuhan naman ang mga motorista na asahang makararanas ng mabagal na galaw ng trapiko sa mga nabanggit na lugar.

Dahil dito, pinayuhan ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta.

Bubuksan muli ang mga apektadong kalsada bandang 5:00, Lunes ng madaling-araw (Hulyo 11).

TAGS: C5, DPWH, edsa, InquirerNews, RadyoInquirerNews, RoadAlert, RoadReblocking, RoadRepair, C5, DPWH, edsa, InquirerNews, RadyoInquirerNews, RoadAlert, RoadReblocking, RoadRepair

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.