Itinalaga ng Department of Transportation (DOTr) ang senior top official na si Sonia Malaluan bilang Officer-in-Charge Administrator ng Maritime Industry Authority (MARINA).
Bahagi ng tungkulin ni Malaluan bilang bagong OIC-Administrator ang ilang MARINA organizational changes, kabilang ang development at paglalabas ng mga polisiya, rules and regulations; pagbuo ng MARINA Roadmap para sa domestic shipping industry ng bansa.
Mahigit 32 taon nang nagsisilbi si Malaluan sa MARINA.
Bago ang naturang posisyon, naitala si Malaluan bilang OIC-Deputy Administrator for Planning (ODAP), Director of MARINA Regional Office – National Capital Region (MRO-NCR), at Maritime Attache sa London, United Kingdom.
Pamumunuan ni Malaluan ang MARINA hanggang Hulyo 31, o hanggang sa makapagtalaga ng magiging pinuno ng ahensya sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.